Friday, 24 March 2017

FOOD FOR BREEDER RACING PIGEONS For Healthy youngster Tagalog

MGA DAPAT IPAKAIN SA BREEDER
MIX AT SUPPLEMENT
100% HEALTHY YOUNGSTER



Sa simula ng pagpapares hind kailangan na pakainin agad ng breeder mix ang ating alaga dahil tataba at lalaki ang mga ito, dahil ang mga breeder natin nakakulong lang palagi sa breeder cage, ngunit kung nakakalipad o ronda ang mga ito, maaaring mag dagdag ng pagkain.

may mga available na flyer at breeder mix sa market, siguraduhin na iisa ang may gawa ng produktong gagamitin para hindi manibago ang ating mga alaga ito ay napaka IMPORTANTE!
malaking epekto sa ibon kapag pabago bago ang feeds na gagamitin at makakasama pa sa pagtubo o paglugon ng kanilang mga balahibo.

Sa kasaluluyan naglilimlim na ibon maaring magpakain ng flyer mix.

7 Araw bago mapisa ang itlog pakainin ang mga breeder ng breeder mix o pagkaing mataas sa protina hangang sa mapisa ang inakay para magkaroon ng sapat ma gatas ang mga Breeder na ipapakain sa anak nila.

7 Araw na pagkapisa, maaari na lagyan ng singsing ang ating mga alaga, sa pagpapakain ng mga breeder at upang maging malusog ang mga inakay ay kailngan isaoras ang pagpapakain nila.

Kung mapapansin ninyo na ang mga breeder ay matamlay magsubo at tinatamad yan ay sa dahilang busog sila at pakiramdam nila busog din ang mga inakay nila. Kaya mas mainam na magpakain muna ng kaunti at lagyan ulit ng panibagong pagkain na kaya nilang ubusin upang maisip nila na nagugutom ang mga inakay nila.

Ituloy tuloy lang hangang sa 20-25 days at maaari na iwalay ang mga inakay.

By: Juan

No comments:

Post a Comment