Wednesday, 17 January 2018

KALAPATI 101 - Pagsasanay sa inakay ( Training Young Birds)

1. MAAARI NA IWALAY ANG INAKAY MULA 20-25 DAYS OLD.

2.PARA MASANAY ANG IBON TUMUKA AT UMINOM. MAAARI NINYO ITUTOK ANG TUKA NG INAKAY O ISAWSAW UNG TUKA SA PAINUMAN AT KUSA NA SILA IINOM DITO MATAPOS ANG ILANG ORAS.

3. MAAARI SILA PAKAININ MUNA NG MALALAKING BUTIL NG PATUKA TULAD NG SOYA BEANS, MAPLE PEAS, AT WHOLE CORN PARA PAGDATING NG PANAHON HINDI SIL NAMIMILI NG PAGKAIN. DAHIL PAG MALILIIT ANG UNA NILA KAININ.MAPAPANSIN NA MADAMI MATITIRA NA BUTIL NA.MALALAKI AT MASASAYANG ITO AT MAGIGING DAHILAN PARA PUNTAHAN NG DAGA ANG INYONG LOFT.

4.PAG SANAY NA SILA TUMUKA ITO AY UMAABOT NG 3-5DAYS. PWEDE NA DIN SILA ILAGAY SA LANDING BOARD AT MAGLAGAY DIN NG MGA ILANG PIRASO PATUKA PARA MASANAY SILA NA MAY PAGKAIN DIN SA LANDING BOARD PAG SILA AY DADAPO DOON.

5. MGA 2-3 DAYS KUSA NA SILA LILIPAD. HAYAAN LANG SILA NA MAGLIPAT LIPAT SA BUBONG AT TUWING DADAPO O PAPASOK SA LOOB NG KULUNGAN SAKA NIYO SILA BIBIGYAN NG PAGKAIN PARA MAGING MAAMO SILA SA INYO.

6. ULITIN LANG ITO HANGANG SA MATUTO NA SILA SA INYONG ROUTINE. AT PAG MALAKAS NA SILA LUMIPAD MAAARI NA KAYO MAGPAKAIN NG MADAMI AT BUSUGIN ANG ALAGA PARA SA MAS HEALTHY NA RACING PIGEONS.

7. SUNOD NAMAN NATIN TALAKAYIN AY ANG SAKIT NG MGA YOUNFG BIRDS AT PAANO MAIWASAN ANG MGA ITO.

No comments:

Post a Comment