Friday, 20 January 2017

Ang magandang BREEDER na KALAPATI!

Ano nga ba ang itsura ng magandang breeder na kalapati?

Ang tanong ng nakakarami sa ating pigeon Sports ay kung anu nga ba ang dapat nating malaman sa pagsisimula o paghahanap ng breeder na kalapati..

 ISA ISAHIN NATIN ANG MGA DAPAT KATANGIAN NG MGA IBON NA NAIS NATIN GAWING BREEDER.

Katulad ng nasa itaas na larawan ang mga kulay nito at itsura ay sadyang napakagaganda.
Ito ay larawan ng kalapati ng aking kaibigan sa New Zealand, kung napapansin ninyo, may kalakihan ang kanilang katawan, dahil ito sa uri ng karera sa Bansang New Zealand na umaabot hanggang sa 1,200kms.


1. Ang breeder na gagamitin natin ay dapat na healthy o malusog at walang sakit lalu na sa respiratory na mahirap malaman sa pag tingin lamang sa itsura ng ibon.

2. Ang kapasidad ng ibon o and mga nagawang achievement nito. ( tandaan : hindi lahat ng champion bird ay nag aanak ng champion birds din.)

3. Tiyakin  na ang ating alaga ay buo ang katawan. ( malaki- kadalasan mabilis sa malapit at hirap sa malayo, katamtaman - maayus sa lahat ng 8 , maliit - mas preferred ito ng mga madaming fancier dahil mas napapakinabangan sa malayuang laban.)

4. Ang pedigree o ang lahi ng ibon, ang siyang kadalasang basehan ng pag bebreed dahil kung sisimulan mo sa mahinang pundasyon ang alaga mo katulad ng pag gawa ng bahay siguradong mahina din ang kakalabasan nito, ngunit hindi lahat ng kalapati ay matalino at mabilis lumipad kagaya ng magulang nila. Kailngan din na may kasamang SWERTE ito.


Yan ang mga dapat tandaan sa pag aalaga ng mga breeder.
Sa next article tatalakayin natin yung mga dapat ipakain sa inyong breeder at 100% sure ako na palaging healthy and iproproduce ninyong inakay at yb sa inyong loft.



By:JUAN